1/15/2009

Eskrip sa Brugudog

Title: Brugudog
Ni E.S. Godin

(Note for the illustrator. Medyo kakaiba ito, dahil patakbuhin natin ang estorya ng walang caption at dialogue. Merong dialog, pero almost no meaning ito, dekorasyon lang, ika nga, plus effects. Kaya, palagay ko, challenging ito. So, bahala ka nang mag-execute. Salamat po!)--Edgar

Box 1: Mula sa isang masukal na gubat, ipakita si Brugudog (isang batang higante, kumbaga mga 2 yrs old lang, yu’ng batang katututo lang maglakad at paika-ika pa, may kaitiman ang balat) hubo’t hubad ito, kita ang nakalawit na kasarian, tuwang-tuwa itong paika-ika ng lakad papunta sa highway o maluwag na daan. Tanaw niya sa malayong dulo ng daan ang paparating na isang kotse.

Baby Brugudog: Ugag! Khah! He-he!

Box 2: Sa tagpong ito, eksaktong nasa tabi na ng highway ang batang higante at bigla namang napahinto ang kotse sa gulat nito nang tumambad sa kanila ang napakalaking bata. Umuusok sa biglang preno ang gulong ng kotse habang mulagat sa sobrang gulat ang mata ng mga sakay.

Brugudog: Uga! Khah! Khah!
Babae sa kotse: Hah?! SFX: Breaakkkkk!

Box 3: At dito, makikitang nakasalampak na ng upo ang hubo’t hubad na bata sa damohang tabi ng daan habang hawak nito ang kotse, iwinawasiwas at pinaglalaruan (gaya ng karaniwang bata na naglalaro ng airplane-airplenan) habang sigawan naman sa takot ang mga sakay nito, isang magandang dalaga, binata at isang bata rin. Nasa loob pa rin sila ng kotseng hawak ng giant baby.

Baby Brugudog: Ugaga! Brummm! Pipip-pipip! He-he!
SFX: Aahh! Huhhh! Eeeeeee!

Box 4: Close up sa kamay ng giant baby na hawak ang kotse. Sigawan sa takot ang tatlong sakay sa loob ng kotse. Hanapan ng anggulong makikita sa reader ang mga tao sa kotse.

Baby Brugudog: (off scene) Zzzzzz! Brummm! Brummm!
Voice frm the car: Aaaaahh! Eeeeeee!

Box 5: Longshot. Aliw na aliw ang giant baby sa natagpuang bagong laruan, habang nag-uunahang lumabas sa isang napahinto ring bus ang mga taong sakay nito sabay takbo papalayo. Mangha at takot ang mabanaag sa mga mukha nila. Unti-unti nang nagka-traffic ang highway at dumarami na ang mga taong naestranded.

Brugudog: Brummm! Brummm! Pipip-pipip!
People: (screaming) Huh? Khah!
SFX: Yaaahh! Eeeeekkk!


Box 6: Isang pulis ang may kausap gamit ang handheld radio. Sa likuran ng pulis, ipakita ang patrol car. Show some people screaming at the backdrop.

Policeman: Yah! Over… copy over.
People: (screming) Huh? Khah!


Box 7: Ipakita ang giant baby na napansin na nito ang mga maliliit na nilalang sa loob ng pinaglaruang kotse at tila gusto niya itong kalikutin upang lumabas. Gimbal naman sa kaba at pag-alala ang mga taong nanunuod sa paligid.

Baby Brugudog: Ugaga! Gua… gua… Hehe!
People: (shouting) Nooo? Nooo!
SFX: Waaahh! Eeeeee!

Box 8: Wide angle shot. Dito, ipakitang nagsidatingan na ang mga armor cars at tangke de guerra ng mga sundalo bilang paghahanda sa anu mang mangyari sa gawing pag-rescue. May helicopter ding fully armed ng machinegun na umiikot sa himpapawid.

Armor cars: Broommm! Brrroomm!
Helicopter: Tzugujogujogujzogujzogujog…

Box 9: Longshot sa giant baby na tuloy pa rin sa paglalaro, animoy di alintana ni walang kamalay-malay sa nakaambang panganib. Ipakita rin na nakatutok na sa kanya ang mga armas ng rescue operation, mga tangke at machinegun.

Baby Brugudog: Broom! Brommm!
Helicopter: Tzugujogujogujzogujzogujog…

Box 10: Samantala, sa ituktok ng bundok sa makapal na gubat, isang malaki at balahibuhing kamay (semi-close up) ang dumampot ng malaking tibag ng bato. Kamay ito ng amang higante.

Ama Bragadog: Uga, Brugudog! Uhmmm!
Sfx: Krakk! Brugggg!

Box 11: Birds’ eye view. Ipakita na nasa ituktok ng pampang ang amang higante, bitbit nito ang isang bato habang maingat na sumilip sa ibaba kungsaan nandoon ang anak niyang pinaikutan na ng hi-powered na makabagong armas. Sa tabi ng kinublian niyang pampang, makikita ang inipong mga bato bilang handa rin sa anu mang mangyari. Ang anyo ng mga bida nating higante ay parang iyung mga tao sa Stone Age (nakabahag lang), di sibilisado at nabubuhay sa sarili nilang pamamaraan.

Ama Bragadog: (self) Uhm! Grrrrr!
Helicopter: Tzugujogujogujzogujzogujog…

Box 12: Dito naman, ipakita ang ina o nanay na higanti na lumabas mula sa makapal na gubat, bakas sa mukha nito ang labis na pag-alala. Parang balat ng malaking sawa o kayay balat ng kahoy ang panakip ng katawan sa pang-ibaba, at sa pang-itaas tanging panakip ng dibdib ay ang mahabang buhok nito at kuwentas sa leeg.

Helicopter: Tzugujogujogujzogujzogujog…
Ina Bragadag: Huhuh! Uga! Huhuh!

Box 13: Mahinahon pero may pagmamadaling lumakad ang inang higante, may luha sa mata, patungo sa kinaruruonan ng sanggol. Sa tagpong, ito, ang mga tangke naman at masinggan ay doon nakatuon sa inang higanteng papalapit. Mapapansing nabigla ang lahat sa sumulpot na ina ngunit wala pang nagpapaputok. Tuloy sa pag-standby ang helicopter sa himpapawid kungsaan ang machinegun nitoy nakatutok na rin sa babaeng higante.

Helicopter: Tzugujogujogujzogujzogujog…
Ina Bragadag: Uga, Brugudog! Huhuh!

Box 14: Eye to eye contact ng mag-ina. Ipakita dito na dumukwang o aktong yumuko ang luhaang ina, na sinalubong naman ng masaya, matamis na ngiti ng batang anak na nakasalampak pa rin ng upo habang hawak-hawak nito ang kotseng pinaglaruan. Puno ng kainosentehan ang matamis na tawa ng bata nang makita ang ina, na nagpasilay ng di pa kompletong mga ngipin nito.

Ina Bragadag: Tala uga, Brugudog!
Baby Brugudog: Uga! Hehehe!

Box 15: Close up ito sa kamay ng ina, hawak ang kotse at maingat na inilapag sa sementadong daan ang sasakyan. Ang tatlong sakay sa kotse ay makikitang masayang nag-bye-bye (waving their hands) sa kanila habang inilalapag sila paibaba.

Mga sakay: Bye-bye-bye!

Box 16: Longshot. Ipakita dito ang mag-ina, habang karga nito ang anak, na naglalakad na pabalik sa masukal na gubat. Nakatalikod ang ina, habang nakalingon pa rin ang bata sa mga tao. Ipakitang umiiyak ang bata. Ilan sa mga tao ay nag-wave of goodbye na rin sa misteryosong mga nilalang.

Logo: (KATAPOSAN)

(Sa gustong mosulat og komiks o gustong motampo og sugilanong komiks sa Bisaya magasin (bisaya_manilabulletin@yahoo.com), timan-i nga kinahanglang sulaton sa Tinagalog o Iningles ang Illustration Guide (IG) sanglit ang mga illustrator sa maong magasin kasagaran mga Tagalog ug dili sila makasabot kon Binisaya sab ang tugon sa drowingon kun IG).

No comments: